AGUEDA ESTEBAN
Si Esteban ay isinilang sa Binondo, Maynila. Siya ay ikalawang anak nina Ambrosio Esteban na tubong Ligaw, Camarines Sur, at Francisca de la Cruz ng Cainta, Rizal. Nanirahan ang kaniyang mga magulang sa Binondo pagkatapos ng kanilang kasal. Si Agueda at ang kaniyang mga kapatid ay tinuruan ni “Maestrang Bulag”, na isang tindera ng dahon ng ikmo at tabako. Dahil sa kahirapan, hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang magulang. Naipagpatuloy ni Esteban ang pag-aaral sa tulong ni Doña Vicenta de Roxas. Sa paaralan, naging mahusay na estudyante si Esteban, na ikinatuwa ng kaniyang mga guro at ni Doña Roxas. Ikinasal si Esteban kay Mariano Barroga, na tubong Batac, Ilocos Norte, na isang mayordomo sa bahay no Doña Vicenta. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Catalina, Adriana, at Anastacia.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento