TRINIDAD TECSON

Isinilang si Tecson sa San Miguel de MayunoBulacan, na isa sa 16 na anak nina Rafael Tecson at Monica Perez. Siya ay tinuruang mabasa at magsulat ni Quinto, na isang kilalang guro sa kanilang bayan. Natutong mag-eskrima sa pamamagitan ni Juan Zeto, na isang maestro ng eskrima.
Kinatatakutan si Tecson, ng kaniyang mga kalaro at mga nakakakilala sa kaniya dahil siya ay mahusay mag-eskrima at sa angkin niyang taas, “Tangkad” kung tawagin siya ng kaniyang mga kaibigan. At nang maulila si Tecson, tumugil siya sa pag-aaral, at sinamang manirahan ang kaniyang mga kapatid sa kamag-anak.
Noong 19 na taon pa lamang si Tecson, nang siya ay ikasal. Biniyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak, na sina Sinforoso at Desiderio. Ang pagbili at pagbenta ng baka ang pangunahing ikinabubuhay ni Tecson, nagbebenta rin siya ng isda, talaba, at banagan (lobster) , sa Maynila.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PROYEKTO SA AP